Hindi ba't nakakagaan ng pakiramdam, na sa pagbangon mo pa lang sa umaga ay isang napakagandang ngiti na agad ang isasalubong mo panibagong araw na naghihintay sayo? Ü
Yung tipong, haharap ka sa salamin at sabay ibubungad mo sa iyong harap ang isang napakamagical na ngiti, bilang simula ng araw mo. Nakaka-GOODVIBES 'no?
GOODVIBES, nga dyan! Yan ang madalas nating sinisigaw pag na-tetense or medyo pressured na tayo sa mga nangyayari. Pag badtrip tayo, lagi natin yan sinasabi. Pero di mo alam? Ngiti lang at pagiging Positive ang best antidote diyan.
SMILE IS THE MOST PRICELESS BUT YET MEANINGFUL ASSET OF A MANKIND. Isang ngiti lang po sa umaga? Tiyak na Goodvibes na ang feedback nyan sayo. Walang pinipiling edad, kasarian o estado sa buhay ang pag-ngiti. Kahit sino, Bata, Matanda, Dalaga, Binata man yan. Lahat tayo kayang-kaya ngumiti. Lahat tayong likha ni Creator ay may karapatan maging masaya at sumaya.
Kahit napakadaming problema ang nakahain sa tin bilang isang Estudyante, sa simula palang ng araw na ito, Pressured man tayo sa Deadline ng Thesis, Quizzes, Finals, Midterms, Prelims, Drawings, homeworks, Research Papers, Reporting or Paperworks? Unang hakbang, Ngitian mo lang yan at makakapagsimula ka ng maayos! =))
KUNG MINSAN PAKIRAMDAM NATIN NA WALA NG 'HOPE', dahil sa mga dagok sa buhay natin. It is one way of God para turuan tayong maging matatag, bumangon pag nadapa; tumayo pag natapilok.
boring man ang Article na ito, ngunit tiyak akong may naitulong ito saiyo. Paalala? ISANG NGITI LANG PARA SA MAGANDANG ARAW!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento