15.6.13
KALA MO MADALI MAGING ESTUDYANTE?! Bigti na!
Sino ang nagsabi na ang buhay ng isang Mag-aral ay kasing dali lang ng Pagbangon sa umaga, Pagbibihis at Paghahanda para sa pagpasok, At. Uwian na pagtapos ng klase? Sus, kung ikaw ay isang ESTUDYANTE! Bow ako sayo. XD
Ang buhay ng Estudyante ay 'di lang umiikot sa pagpasok sa loob ng Klase at Pag-uwi mula sa Eskwelahan. Madami pang nagaganap sa loob ng APAT NA ORAS KANG NAKA-STUCK sa isang Kahon na Puno ng mga mag-aaral at tinatawag nilang Classroom. Nandyan, ang mga POP-QUIZ, mga biglaang Quiz after ng Discussion ng Professors na wala ka namang naintindihan masyadong sa Pagtuturo niya, Sunod ang Mga Terror Profs, yung tipong nagpapatupad ng MARTIAL LAW sa loob ng Klase niya, Ayaw niya ng maingay o gumagalaw ng kahit anong bagay, gusto niya FOCUS! Di rin magpapahuli ang mga Reportings, mga Classmates mo di nakikinig sayo pag nagdidiscuss. Tapos pag nagtanong ka ng Random Q&A mga walang naintindihan, next ang mga Klase nating Laktaw laktaw sa time, mag-aantay ka ng 2 or 3 oras para sa next class mo tapos ano? Di darating yung Prof! Sunod is, Ang mga ubod ng daldal mong Classmates, matatagpuan sila sa likod harap left or right mo. Mga di nauubusan ng Kwento sa isa't-isa. Syempre di rin papahuli ang mga Sunud sunod na Midterms. Yung biglang mag-aanounce ng "BE READY, EXAM TOMORROW REVIEW ALL CHAPTERS" oh diba? Biglaang magrereview ka ng buong Libro. Goodluck sa'tin. Push natin yan! And syempre, ang mga Classmates mong SELFISH pagdating ng Exams, mga ayaw magshare ng Kaalaman nila. Ayan tayo,nagkakalimutan pagdating ng Exams. Meron pa, di rin pwede mawala ang mga GRADED RECITATIONS, ayan na lumalabas na ang galing ng Profs sa pagbabalasa ng ClassCards, tapos pag natawag ka. NGA-NGA dahil di pa niya tinuro itatanong na nya agad sayo. Hanep! At mga Classmates mong ang lalakas ng trip, minsan Nakakainis na pero kailangan mong makisama sakanila para di ka matawag na KJ.
Diba? Marami pang nagaganap sa buong araw na nasa Eskwelahan tayo. PAALALA! MAG-ARAL TAYO, MABUTI =))
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento