15.6.13

Ngumiti Ka Naman Pag may Time!

Hindi ba't nakakagaan ng pakiramdam, na sa pagbangon mo pa lang sa umaga ay isang napakagandang ngiti na agad ang isasalubong mo panibagong araw na naghihintay sayo? Ü

Yung tipong, haharap ka sa salamin at sabay ibubungad mo sa iyong harap ang isang napakamagical na ngiti, bilang simula ng araw mo. Nakaka-GOODVIBES 'no?

GOODVIBES, nga dyan! Yan ang madalas nating sinisigaw pag na-tetense or medyo pressured na tayo sa mga nangyayari. Pag badtrip tayo, lagi natin yan sinasabi. Pero di mo alam? Ngiti lang at pagiging Positive ang best antidote diyan. 

SMILE IS THE MOST PRICELESS BUT YET MEANINGFUL ASSET OF A MANKIND. Isang ngiti lang po sa umaga? Tiyak na Goodvibes na ang feedback nyan sayo. Walang pinipiling edad, kasarian o estado sa buhay ang pag-ngiti. Kahit sino, Bata, Matanda, Dalaga, Binata man yan. Lahat tayo kayang-kaya ngumiti. Lahat tayong likha ni Creator ay may karapatan maging masaya at sumaya.

Kahit napakadaming problema ang nakahain sa tin bilang isang Estudyante, sa simula palang ng araw na ito, Pressured man tayo sa Deadline ng Thesis, Quizzes, Finals, Midterms, Prelims, Drawings, homeworks, Research Papers, Reporting or Paperworks? Unang hakbang, Ngitian mo lang yan at makakapagsimula ka ng maayos! =)) 

KUNG MINSAN PAKIRAMDAM NATIN NA WALA NG 'HOPE', dahil sa mga dagok sa buhay natin. It is one way of God para turuan tayong maging matatag, bumangon pag nadapa; tumayo pag natapilok. 

boring man ang Article na ito, ngunit tiyak akong may naitulong ito saiyo. Paalala? ISANG NGITI LANG PARA SA MAGANDANG ARAW!

WALANG AGAWAN NG CRUSH, AH!




"Crush, Lumingon ka naman oh! Please. Isang tingin lang."


"Ang Pogi pogi talaga ni Crush grabeee!"


"OHMYGOSH! Nagkatinginan kami ni Crush, shet 'di nanaman ako makakatulog nito."
"CRUSH! Ang galing galing mo talaga sumayaw/kumanta, kaya Mahal kita e!"

"Oy, walang agawan ng Crush, akin lang siya!!"


Ilan lamang 'yan sa mga madalas na linya na sinasabi ng mga taong may matatawag na "CRUSH". Simpleng. Paghanga lang naman ang meaning nyan para sa iba, pero yung iilan binibigyan ng ibang kahulugan ang salitang 'HANGA'.


Pag may Crush ang isang tao, sobrang kiligin yan! Magtatalon pa yan pag nakuha ng crush niya ang Atensyon niya. Sa simpleng paglalakad sa Corridor, at nakasalubong ang Crush mo? Humanda kana. Dahil pag kinikilig yan, hahampasin ka ng todo at sasabihing "OHMY, NAKASALUBONG NATIN SIYAAA!" Minsan pa nga, sa Pila sa Canteen. Nakita niyang nakapila ang Crush niya? Ay tatabihan niya yun or kaya hahanap siya ng way para makatabi sa pila ang pinakamamahal niyang Crush. At meron pa nga, pag Instant Performer or Popular ang Crush niya? Halimbawa. Dancer, todo tili at todo cheer yan na para bang si JUSTIN BIEBER ang nagpeperform. Ang sarap ng may Crush no? 



Pero, Sino ba ang madalas natin tinatawag na "HINAHANGAAN"?


MADALAS SA SCHOOL YAN MAKIKITA.


Pwede mong maging Crush ang isang Varsity Player na talagang napakagaling sa Sports, lagi niyang inuuwi ang Tropeo or Medalya sainyo, di kaya yung Pinakamagaling sumayaw sa Dance Crew nyo, Pinakamatalino sa buong Klase nyo, Pinakamaganda at pogi sa Campus nyo. Or di kaya, ang simpleng Kaibigan mo lang or kabarkada na talagang pinana kapa ni Kupido para sa kanya. 


Ang galing no? Kinikilig ka kay Crush. Kahit di ka niya napapansin o nakakausap or di ka talaga niya kilala. Andyan kapa din para Suportahan at Humanga sakanya. Dinaig mo pa nga ata ang Girlfriend/Boyfriend niya dahil Grabe ka kiligin! 


Walang masama sa Crush, pero minsan sa sobrang paghanga sa isang tao ay di natin namamalayan na may masama na itong epekto sa'tin. :)

KALA MO MADALI MAGING ESTUDYANTE?! Bigti na!


Sino ang nagsabi na ang buhay ng isang Mag-aral ay kasing dali lang ng Pagbangon sa umaga, Pagbibihis at Paghahanda para sa pagpasok, At. Uwian na pagtapos ng klase? Sus, kung ikaw ay isang ESTUDYANTE! Bow ako sayo. XD




Ang buhay ng Estudyante ay 'di lang umiikot sa pagpasok sa loob ng Klase at Pag-uwi mula sa Eskwelahan. Madami pang nagaganap sa loob ng APAT NA ORAS KANG NAKA-STUCK sa isang Kahon na Puno ng mga mag-aaral at tinatawag nilang Classroom. Nandyan, ang mga POP-QUIZ, mga biglaang Quiz after ng Discussion ng Professors na wala ka namang naintindihan masyadong sa Pagtuturo niya, Sunod ang Mga Terror Profs, yung tipong nagpapatupad ng MARTIAL LAW sa loob ng Klase niya, Ayaw niya ng maingay o gumagalaw ng kahit anong bagay, gusto niya FOCUS! Di rin magpapahuli ang mga Reportings, mga Classmates mo di nakikinig sayo pag nagdidiscuss. Tapos pag nagtanong ka ng Random Q&A mga walang naintindihan, next ang mga Klase nating Laktaw laktaw sa time, mag-aantay ka ng 2 or 3 oras para sa next class mo tapos ano? Di darating yung Prof! Sunod is, Ang mga ubod ng daldal mong Classmates, matatagpuan sila sa likod harap left or right mo. Mga di nauubusan ng Kwento sa isa't-isa. Syempre di rin papahuli ang mga Sunud sunod na Midterms. Yung biglang mag-aanounce ng "BE READY, EXAM TOMORROW REVIEW ALL CHAPTERS" oh diba? Biglaang magrereview ka ng buong Libro. Goodluck sa'tin. Push natin yan! And syempre, ang mga Classmates mong SELFISH pagdating ng Exams, mga ayaw magshare ng Kaalaman nila. Ayan tayo,nagkakalimutan pagdating ng Exams. Meron pa, di rin pwede mawala ang mga GRADED RECITATIONS, ayan na lumalabas na ang galing ng Profs sa pagbabalasa ng ClassCards, tapos pag natawag ka. NGA-NGA dahil di pa niya tinuro itatanong na nya agad sayo. Hanep! At mga Classmates mong ang lalakas ng trip, minsan Nakakainis na pero kailangan mong makisama sakanila para di ka matawag na KJ. 



Diba? Marami pang nagaganap sa buong araw na nasa Eskwelahan tayo. PAALALA! MAG-ARAL TAYO, MABUTI =))
Dear Mr. Right, 

Sabi nila. Darating daw ang taong nilaan ni God, para sayo sa tamang oras, pagkakataon at sitwasyon. Hindi naman sa pagmamadali ko, pero bakit parang ang tagal-tagal naman ng Araw na yun? Hindi naman sa gusto ko na magka-LOVELIFE, Pero gusto ko kasi talaga Makilala kana ngayon. Siguro nga nagkita na tayo, hindi ko lang matandaan kung ANO, SAAN AT KAILAN eksakto na nagtagpo na tayo. Siguro, isa ka sa mga nakasakay sa Jeep at nakatabi o nakatapat ko sa upuan, Nasa likod kita siguro habang kumakain ako sa isang Fastfood, Nakatabi na din siguro kita nung sumakay ako sa LRT, or hindi kaya. Dumaan kana sa harap ko at nakatingin na tayo pero di ko lang napansin. Malamang, nakakasabay kita sa paglalakad pauwi galing ng School, nakabangga habang nagmamadali ako pumasok ng Bookstore, Nadaanan nung lumabas ako ng Grocery Store, dumaan ka na rin siguro ng mapayuko ako para itali ang sintas ng sapatos ko, nakatabi ko na sa paglalaro ng Basketball sa Quantum, Pwede ring Classmate o Barkada lang kita na 'di ko alam at siguro nakasabay na din kita manood ng Sine sa Mall. Madaming pagkakataon narin siguro na nagtagpo landas natin, hindi ko nga alam na IKAW NA PALA YUN. Siguro, hindi pa nga kita makikilala ngayon. Siguro si God, may hinahandang surprise scene para sating dalawa, Malamang. Hindi padin ako handa para humarap at ipakilala ang sarili ko ngayon. Pero, Hindi pa man kita makilala ngayon, bukas, sa isang linggo, buwan or sa isang taon. Darating din ang tamang Oras, na Tadhana na mismo ang maglalapit ng mga puso natin. :)

Sumasaiyo, 
Ako.